November 16, 2008

Ministry of Information Approves Sale of KA in KSA

Share

This appeared in "Kabayan Corner" of Saudi Gazette 17th of November 2008.


JEDDAH - Kung mahilig kang mag-browse ng internet, malamang natagpuan mo ang blog ng Sawali, isang online na pahayagang Pinoy ni Manny Garcia.

Ngayon, hindi na lang sa internet ninyo mababasa si Garcia kundi pati na rin sa libro.

Kamakailang, inaprubahan ng Ministry of Information ng Saudi Arabia ang kanyang librong Kapeng Arabo.

Ibig sabihin nito, hindi na lang mabibili ang libro sa National Bookstore sa Pinas kung saan una itong inilunsad, kundi pati na rin sa Jarir Bookstore, ang pinaka-malaking tindahan ng aklat sa Kaharian ng iba pang Gulf countries.

Ang Kapeng Arabo ay hango sa mga kwentong Pinoy sa Saudi Arabia. Hinabi ni Garcia ang mga sanaysay mula sa sariling karanasan at sa kanyang pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga Pinoy sa Saudi.

Sinulat ito sa sariling wika na may panakanakanng English na naging bahagi na nang karaniwang pananalita ng mga Pinoy. Malakas ng humor ng libro at may mga quips at expressions ng mga bagets, pero walang expression ng mga forgets.

Isa sa mga tinalakay ni Garcia ay ang kalungkutang dinaranas ng halos lahat ng Pinoy na napadpad sa bangsang may kakaibang kultura at milya-milya ang layo sa kinagisnang bayan, at kung paanno nila -o natin- nilalabanan ang lungkot kapalit sa pangarap na mapapaalwan ang buhay ng mga mahal sa buhay kung hindi man para lang sa sarili.

Sinasalamin din ng aklat kung paano nababago ang pagkatao ng karamihan sa mga OFW's.

Kung nalulungkot ka, mapapangit kaa sa humor ng libro, imbes na pagmasdan ang kawalan na naaninag sa kisame ng kwartong inuuupahan, kung nag-iisa ka.

Sa pananaw ng may akda, ang Kapeng Arabo ay isa ring hamon sa kakayana ng mga Pinoy.

"Parang isa rin itong test sa kakayanan nating mga Pinoy. Kung kaya natin magsama-sama para maiangat ang lahi natin at kung kaya nating magka-isa para suportahan ang magagandang adhikain," sabi ni Garcia sa isang panayam.

"Sinasalamin ng libro ang mga gawain ng tipikal na Pinoy overseas worker, na lingid sa kanya'y unti-unting humuhubog ng kanayan pananaw tungkol sa sarili at pati na rin sa bayan natin," dugtong pa nya.

Ang Kapeng Arabo ay pinaghalong social satire sa konsepto ng Pinoy ukol sa yamang material, nkakakatuwang kwento tulad halimbawa ng pagkalagas ng buhok hindi lang ng mga Saudi kundi pati mga expats sa Kaharian, ilang aspetong pulitikal (bakit tinatalikuran ng Pinoy ang sariling bayan) at kaalaman sa pag-aabroad na kapupulutan ng aral hindi lang ng mga Pinoy na napadpad sa Gitnang Silangan kundi ng iba pang nagtatrabaho at namumuhay sa labas ng Pilipinas.

"Inaasahan kong magsisimula ang pagbebenta ng libro sa lahat ng Jarir outlets sa susunod na buwan. Sana'y suportahan ninyo ang aking humble undertaking,' paanyaya ni Garcia.

"At dahol sa ang Kapeng Arabo ang siyang kauna-unahang (non-fiction at non-religious) book na sinulat sa wikang Pilipino sa Middle East, maaring magbukas at magbigay daan ito sa susunod na attempts ng iba pa nating mga kababayan," aniya.


1 comment:

Appreciate your comments.