March 21, 2009

The chapter that never was

Share



Introduction: This chapter is not included in the book. The intent was to defend my stand why I had to mix Pinoy language with modern quips and expressions. My editor strongly suggested to delete the entire thing. Though this is one of the most painstaking construction in the book, I trusted her judgment and decided to delete it. Wala lang... sayang kaya dito na lang.

Maraming Pinoy ang hindi nakakakilala kay Bob Ong. Pero matunog ang sabi-sabi na ilan lamang ang mga libro niya among Filipino authors na may pinakamatinding staying power sa mga major bookstore sa Pinas.

Hindi ko nabasa ang lahat ng mga sinulat nya. Pero base sa ilan at nakalap kong opinyon mula sa mga kaibigan, cool talaga si Bob. Contemporary ang topics nya at Pinoy na Pinoy. Sabi nga nung isang review, nirereflect nya ang tipikal na isyu ng kanyang henerasyon.

Kung idedescribe ko ang style ng kanyang pagsulat, para lang siyang nasa harap mo at nagkukuwento. Madalas yung pansarili kuru-kuro at insights ang nagbibigay kulay sa mga istoryang kanyang nilalahad. At ang kanyang mga personal issues ang siyang nagpapatingkad sa mga karakter na kanyang pinoportray.

Pilipino ang wikang ginamit ni Bob. Hindi malalim, hindi rin naman mababaw. Tamang tama lang para maintindihan ng mga mambabasang Pinoy sa makabagong panahon. Paminsan-minsan, gumagamit siya ng wikang English sa mga salitang walang diretsong katapat sa wikang Pinoy.

Ilan na sa mga ka-berks ko ang napaluha ni Bob. Lalo na kapag ang paksa ay nasesentro sa relasyon ng ama at anak. Hay naku! Panay nga ang pa-simple ni Jon, yung barkada kong mekaniko sa Rizal, habang pinapahid nya ang kanyang luha at sipon gamit ang nanlilimahid nyang mangas. Lingid sa kanya, ngiting aso ako habang pinapapanood syang nagdadrama. Pulang-pula ang mata nya habang sinasabing napuwing lamang daw siya nung tanungin ko:

"Eh bakit pati ilong mo naluluha, napuwing din?"

Kunsabagay, malaking isyu talaga ito. If I may speak on behalf of my generation, masasabi kong marami talaga ang hindi nakapag-establish ng close relationship sa kanilang mga ama.

Sabi ni Ate Jane, yong friend ko na graduate ng Child and Family Development sa UP at ngayo’y nasa California na, may kinalaman daw kasi yon sa panahon ng upbringing. Ang mga tatay raw kasi natin ay lumaki sa rebellious era. Yong panahong nasisimulang magtanong ang kanilang kaisipan sa mga bagay na tradisyonal. Mas kilala yata sila bilang mga "baby boomers."

Dahil kinukwestyon ng baby boom generation ang mga sistemang nakaugalian, sinikap nilang ibigay sa atin ang kalayaan. Hinayaan nila tayong magdesisyon at humarap sa mga problema sa sariling pamamaraan. Ito rin daw kasi ang hangad nila sa sarili sa panahong sila’y lumalaki.

Sa isang banda, nakabuti naman ito. Mas naging independent tayo at naging madiskarte. Pero syempre, nagkaron ng glitch in the process. Dahil nga medyo may pagka-experimental ang prosesong ito, nagkulang raw ng gabay ang ating mga ama. Ang resulta: ang ilan sa atin ay naging even more rebellious, at yung iba naconfused pa. Nagbunga tuloy ito ng hindi mahusay na pagkakilanlan sa pagitan ng mga mag-aama.

Sapul ako ni Bob sa kanyang mga sinulat. Ganon riw daw ang karanansan ng mga ka-berks ko. Inisip ko na hindi naman si Bob ang una at natatanging may akda ang sumulat ng mga ganitong klaseng paksa. Hindi lang siya sa history ng Philippine Literature ang nagmulat ng kamalayan sa mga ganitong isyu. Pinilit kong alamin kung paano namukod tangi si Bob (para sa akin). At napag-alaman ko, iyon ay dahil sa wikang ginamit nya. At siya rin namang ginagamit ko ngayon.

Hindi ko man gustong gayahin si Bob Ong o kung anu pa man. Pero aba! ang makumpara sa kanya ay isang malaking karangalan. Ibang level ika nga.

Pero seriously, ninais kong i-adapt ang ilang style nya dahil naniniwala ako na mas epeketibong paraan ito para mas makareach-out ako sa mas maraming Pinoy. Sa palagay ko, mas effective ang medium na ito para sa mga kababayan nating nasa ibang bayan na patuloy na naghahanap ng identity, o something familiar, pero angkop pa rin sa sitwasyong kanilang ginagalawan.

Ikagagalit man ng nanay ko, na dating gurong wikang Pilipino, ang ginagawa kong paghahalo-halo ng mga salita, paninindigan ko pa rin. Kung ito ang tanging paraan para mas maging effective ang pagpapahayag ng mga bagay na gusto kong sabihin, at hindi ako nagwoworry kung ano b talga ang tamang salita, eh careerin ko na.

Isipin na lang natin na ito ang benefit nang pagiging exposed sa higit sa isang wika. Sabi nga ng mga economic experts, mas mabuti dahil mas prepared tayo sa globalization; ng mga freedom fighter, para merong choice; at nga mga bisexuals, it’s like having the best of both worlds.

No comments:

Post a Comment

Appreciate your comments.