March 2, 2015

Apila ni Arnel Magtoto

Kaso ni Mr. Arnel Magtoto, isang heavy equipment truck driver sa Dammam na aksidenteng nakapatay ng isang Egyptian national.

December 17, 2011 nang hindi sinasadyang naurungan ng malaking truck na minamaniobra ni Arnel ang kasamahan nito sa trabaho.  Agad itong namatay at agarang nakulong si Arnel ng araw din iyon.  Nangako naman ang kanilang kumpanyan (Nassir Bin Hazza Brother and Company na may mailing address na P.O Box 12 Rakah Al Khobar KSA 31952) na sa loob lamang ng tatlong araw lang hanggang isang linggo, aayusin ang lahat at makakalaya na si Arnel.

Higit tatlong taon na ang lumipas mula noon at kasalalukuyang nasa bilangguan pa rin si Arnel.  Inabot na ng iba’t ibang sakit at pagbaba ng pisikal na pangkalahatang kalusugan, subalit walang dumating na tulong mula sa kumpanya na napag-alaman wala ring ibinigay na insurance na ayon sa batas ng Saudi ay nakalaan sa bawat empleyado.  Hindi rin nagdulot ng inaasahang tuluyang paglaya ang pagsisikap sa pag-follow up ng anak nitong si Arlan, isang simpleng OFW rin na naka-base naman sa Jeddah. 

February 25, taong kasalukuyan, lumabas ang desisyon na nagpapataw ng halagang SR300,000 kapalit ng kalayaan ni Arnel.  Para sa isang simpleng manggagawa, ang desisyong ito ay katumbas na rin ng halos sentensya ng kamatayan. Papaano matutugunan ng mag-ama ang desisyon kung walang aasahang tulong mula sa kawani ng gobyerno na dapat sana’y mangangalinga sa mga mamamayan nito. 


Sa mga ganitong klaseng pagkakataon, ang nakatataas sa gobyerno na lamang natin ang may kapangyarihan upang makipag-usap upang mapagaan ang hatol kundi man mapawalan ng bisa ito.  

January 5, 2010

Kapeng Arabo, the Re-fill

Sa unang aklat, ipinakita ang sari-saring isyu na kinakaharap ng mga OFW o Pinoy abroad. Mga pangyayaring minsa'y masaya, minsan shocking, at kung minsan nama'y naglalagay sa kanila sa senti mode. Kaya nga ang konsepto ng 'emo' ay hindi nalalayo sa mga OFW. Malamang sa kanila nagsimula yon, pinangalanan lang mga maarte nilang anak at mahal sa buhay.

Ngayon, sa book 2, masasabing isang 'baptism of fire' ang magaganap. Masusubok ang katatagan ng OFW habang patuloy na pinapanday (naks! ang lalim) ang kanilang pakikitungo sa pamilya, sa community na kanilang ginagalawan at pati na rin sa country.

Anu-ano kaya ang mga pagbabago sa pakikitungo ng isang OFW o Pinoy abroad habang malayo sa mga bagay na kanilang kinagisnan. Positibo kaya, o magresult ang mga epekto nito sa pagkawasak ng kanilang commitments? Kaya pa kaya nilang i-sustain o ibalik ang mga naudlot na relasyon? O kayanin pa ka nyang bumuo ng mga relasyon, at least the way we know it?

Sasagutin ang mga ito at iba pang mga additional issues sa pagpapatuloy ng istorya ng author ng KAPENG ARABO sa book 2 nito. Kung ano man ang sagot sa mga tanong, individual tayong maga-asses kung talanga nga bang kabutihan o isang karangalan ang maging OFW o Pinoy abroad.



October 14, 2009

BOOK 2 of Kapeng Arabo

Sa mga nagtatanong, isang malaking OPO. May second book po ang Kapeng Arabo. At sa ngayon ay kasalukuyan na itong sinusulat.

At para po mabigyan kayo ng konting lead, ganito po ang tinatakbo ng utak ng may akda... ako po yon : )

Maaring hindi natalakay ang lahat ng issues sa unang aklat, ang kadahilana'y nilimit ko lang ko lang talaga sa mga isyung nasesentrong sa individual behaviors ng mga Pinoy abroad (mapa-OFW o balikbayan). Mga gawain, na gaya nga nang naisulat ko na, nakapagpapabago sa pananaw natin bilang mga Pinoy.

Ito po ang primary reason kung bakit hindi ko sinulat ang mga aspetong political o social kasi sa palagay ko may mas malalim na pakikidigma tayong mga Pinoy abroad, at iyon ay ang ating mga sariling demonyo (trans. our own evil). At sa akin, sapat na ang mga inihayag ko sa unang aklat para mapagmuni-munian (lalim no?), at mananatiling challenge na lamang para sa ibang authors o mga nagnanais na magsulat rin para ihayag ang iba pa.

Sa ngayon, ang KAPENG ARABO BOOK 2 ay pilit na ini-explore ang mga isyu ng RELATIONSHIPS. Relasyon ng magulang sa anak, ng mag-asawa, ng pagkakaibigan, o nang kung ano pa man.

Syempre, bilang mga nakabasa at kahit pa sa mga babasa pa lang ng KAPENG ARABO, gusto kong isipin nyo na welcome kayong maging bahagi ng ikalawang aklat. Maari kayong magsuggest, o magreact, or magpahayag ng kuro-kuro. E-mail lang sa ask_manny@yahoo.com.

Kampay!

October 3, 2009

Libre lang Mangarap as Blog of the Year

My Vote for the 2009 Bloggers' Choice Award (National):

I vote for Otep's LIBRE LANG MANGARAP
Bloggers' Choice Award
2009 Philippine Blog Awards

Ibonoto ko sya dahil:

1. kewl mga entries nya
2. rock ang attack nya
3. makatotohanan ang mga sinasabi nya

At lahat nang yan ay mula sa sinungaling blogger tulad ko. (Joke!)

Kaya mga kapwa bloggers abroad, boto na rin kayo. Click here para malaman kung pano.

September 27, 2009

Typhoon Ondoy

This literally moved me to tears. I hope we find in our hearts even the smallest sympathy we can extend to our kababayans.

Hwag tayong maging bato!



ABS-CBN Foundation
http://www.abs-cbnfoundation.com/

Kapuso Foundation
http://www.kapusofoundation.com/help

You may also wish to donate to Red Cross thru txt.
Snd RED (space)<5,25,50,100 or 300> to 2899 (Globe) & 4483 (SMART)

September 12, 2009

Buloy, the slang version

It's fun to hear pinoy songs being imitated ang sung by foreigners. Listen to this, you gonna luv it.



Thanks to facebook buddy Patrick for this.

September 10, 2009

Train Railway

Preaching and showing the world how some of our sytems fault is not really KAPENG ARABO's cup of tea. I'd rather preach good news, and uplift Filipino spirit by showing the world how great we are.

Just the same, I don't subscribe to blind reality. From time to time, we need to take a look at at the real world, and hope we can do something about it.

Here's a perfect example:



I was told the video is taken along the intersection of Dimasalang near Espana Boulevard in Sampaloc Manila. This despite the on-going rail road rehabilitation program.

Thanks to facebook buddy Vonnel for providing this video.