October 14, 2009

BOOK 2 of Kapeng Arabo

Sa mga nagtatanong, isang malaking OPO. May second book po ang Kapeng Arabo. At sa ngayon ay kasalukuyan na itong sinusulat.

At para po mabigyan kayo ng konting lead, ganito po ang tinatakbo ng utak ng may akda... ako po yon : )

Maaring hindi natalakay ang lahat ng issues sa unang aklat, ang kadahilana'y nilimit ko lang ko lang talaga sa mga isyung nasesentrong sa individual behaviors ng mga Pinoy abroad (mapa-OFW o balikbayan). Mga gawain, na gaya nga nang naisulat ko na, nakapagpapabago sa pananaw natin bilang mga Pinoy.

Ito po ang primary reason kung bakit hindi ko sinulat ang mga aspetong political o social kasi sa palagay ko may mas malalim na pakikidigma tayong mga Pinoy abroad, at iyon ay ang ating mga sariling demonyo (trans. our own evil). At sa akin, sapat na ang mga inihayag ko sa unang aklat para mapagmuni-munian (lalim no?), at mananatiling challenge na lamang para sa ibang authors o mga nagnanais na magsulat rin para ihayag ang iba pa.

Sa ngayon, ang KAPENG ARABO BOOK 2 ay pilit na ini-explore ang mga isyu ng RELATIONSHIPS. Relasyon ng magulang sa anak, ng mag-asawa, ng pagkakaibigan, o nang kung ano pa man.

Syempre, bilang mga nakabasa at kahit pa sa mga babasa pa lang ng KAPENG ARABO, gusto kong isipin nyo na welcome kayong maging bahagi ng ikalawang aklat. Maari kayong magsuggest, o magreact, or magpahayag ng kuro-kuro. E-mail lang sa ask_manny@yahoo.com.

Kampay!

October 3, 2009

Libre lang Mangarap as Blog of the Year

My Vote for the 2009 Bloggers' Choice Award (National):

I vote for Otep's LIBRE LANG MANGARAP
Bloggers' Choice Award
2009 Philippine Blog Awards

Ibonoto ko sya dahil:

1. kewl mga entries nya
2. rock ang attack nya
3. makatotohanan ang mga sinasabi nya

At lahat nang yan ay mula sa sinungaling blogger tulad ko. (Joke!)

Kaya mga kapwa bloggers abroad, boto na rin kayo. Click here para malaman kung pano.